I was on my way home this afternoon when I didn't have any choice but to take a cab. The usual traffic in the metro adds up to the merciless heat of summer. Mang Carling, the driver of the taxi started the conversation, "Maam Ilocano po kayo?" "Ba't nyo po nasabi yan Manong? "Maam medyo ung kulay nyo po kasi maitim, di ba ang mga Ilocano marami po sa kanila, maiitim?" "Ah opo, Ilocana po ako (sabay tawa). "Alam nyo maam mga kasama ko dati mga Ilocano, bibili sila ng isang kilong karne ng baboy, isang linggo na nilang ulam yon." "Ah, talaga po." "Pati isda maam, isang kilo, isang linggo din." "Alam nyo po ba maam kong anong sikreto doon kung bakit nagtatagal ng isang linggo?" "Alam ko po manong, sinasahog nila sa gulay no, ang Ilocano po mahilig sa gulay." "Tama kayo diyan maam!" Kaya malakas ang mga katawan dahil palagi silang kumakain ng gulay pero maam mahilig sila sa bagoong kaya marami sa kanila ang may sakit sa kidney, dahil pag kumain, nakikita ko po may bagoong na sawsawan, pati kamatis nilalagyan ng bagoong ulam na." "Meron nga po kaming kapitbahay na Ilocano, simple lang parang walang pera pero noong may naghahanap nang bibili ng lupa, abah! ang unang nagtanong kung magkano at siya na rin ang nakabili ay ang Ilocanong kapitbahay namin na ang pagkakaalam ko walang pera." Sa lugar po namin, kung sino po ang mga may malalaking bahay, maraming palay, may mga halamang gulay at alagang hayop, mga Ilocano po yon." "Kaya maam ang sinasabi ng mga Ilocano na awan ti kwarta, di totoo yun maam, adu ti kwarta!" "Hindi naman po lahat manong meron din mahihirap na Ilocano, masinop lang po talaga ang karamihan kasi mahirap kumita ng pera, may mga mahihirap din po nga awan ti kwarta, gaya ko po." "Maam di po kayo sasakay sa taxi kung awan ti kwarta, di ba maam?" "Si Manong talaga...bukas po kasi manong maglalakad na po ako....heheheee" "Manong, Ilocano po ba kayo?" "Maam hindi po, mga kasama ko po kasi dati mga sundalong Ilocano, sundalo po ako dati maam." "Nakapag asawa po ako ng Ilocana na taga Candon, Ilocos Sur, ako po ay isang Bisaya." "A, kaya naman pala Manong e."
"Manong sa tabi lang po." "Agyamanak maam." "Agyamanak met Manong."
All the things mentioned by Manong Carling about his experienced with Ilocanos are generally and veraciously true.
I found this short conversation with Mang Carling a cooling relief. Thanks to traffic, by the way!
A short moment of finding "ragsak." (",)
No comments:
Post a Comment